Tatay na Mayabang:
Ako'y tunay na natutuwa sa aking panganay na
lalaki. Nagtapos ng Business Administration sa UP at mayroong MBA
galing sa Harvard. Ngayon, e Presidente siya ng isang malaking
Corporasyon. Sa yaman niya, e, binigyan niya ng isang Mercedes at isang
BMW yung isang kaibigan niya.
Tatay na Mayabang Rin:
Ako'y galak na galak sa bunso kong lalaki. Nagtapos ng Medicina sa
UP-PGH at nag Residency sa Sloan Kettering. Ngayon, e Director for
Research siya at kandidato para sa Nobel Prize. Mayaman din siya. Biro
mo, yung isang kaibigan e binigyan niya ng apartment sa 5th Avenue sa
Manhattan.
Tatay na Nahihiya:
Ako'y medyo disappointed
dito sa kaisaisa kong lalaki. Nangyari pa e bakla at binabae. Hindi
bale nang malandi, e kung sino-sino pang lalaki ang mga kinkasama.
Hairdresser siya pero mukha namang mahusay makisama. Yung kaniyang BMW
at Mercedes, at yung tinitirhan niyang apartment sa 5th Avenue e bigay
lahat ng mga "boypren" niya.