Breaking news: Isang bangkay na nakawala sa north cemetery ang
pinaghahanap ngayon ng mga pulis at militar. Base sa report, ang
bangkay ay huling nakitang tumatakbo sa kahabaan ng EDSA, suot ang
inaamag na amerikana. Ayon sa isang reliable source, agnas na ang ilong
at kanang mata ng bangkay. At ayon pa rin sa source, narinig niya di
umano ang nasabing bangkay na nagsabing di raw siya pahuhuli ng buhay.