Namatay ang asawa ng isang matandang babae kaya nalulungkot siya dahil
wala na siyang kasama. Naisip niya na magpakamatay na lang siya para
hindi na malungkot at makasama niya na ang asawa niya sa langit kaya
kinuha niya ang baril ng kanyang yumaong asawa sa cabinet. Ang plano
niya ay direktang babarilin niya ang puso para diretso dedo kagad at
wala nang hirap pero bago yun ay tinawagan niya muna ang kanyang doktor
para malaman ang eksatong lokasyong ng puso. Sabi ng doktor “Nasa
ilalim lang ng dede ang puso”. Kinabukasan nakita ng doktor ang lola
na napilay.